(Para sa mga kapwa ko manggagawa na naapektuhan ng krisis pang-ekonomiya.)
Sa pagdating mo, / O araw, na inaasam-asam,
Bakit binalot ang puso/ ng pag-aagam-agam;
Halip kasabikan/ pangako mong kasiyahan,
Ako’y nakatanghod,/ tulala sa kawalan;
Kung sweldo sana’y sapat, / bibili ng krismas tri,
Isasabit sari-saring/ ilaw na patay-sindi;
Noche Buenang sagana/ sa sebo at halakhak,
Sapatos at mumunting/ damit na busilak;
‘Di ako, butihing araw,/ sa ‘yo nagrereklamo,
Ang tanging hiling/ nitong pobreng obrero
Ay turuang ipaliwanag/ kalagayang aba
Sa aking bunsong/ may mata ng pag-asa.
Saturday, January 31, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment